CAUAYAN CITY – Nakalatag na ang plano ng Cauayan City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) ngayong Semana Santa.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Esem Galiza, hepe ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) at Information Officer ng Cauayan City Police Station, sinabi niya na bumuo na rin sila ng Incident Command Team (ICT).
Mayroon na rin silang Motorist at Police Assistance Desk.
Magsasagawa ng inspeksyon sa mga ilog at resort ang ICT para matiyak ang seguridad ng mga mamamayan.
Paiigtingin pa nila ang kanilang police visibility sa Cauayan City lalo na ang mga matataong lugar tulad ng simbahan at ilog kasama ng kanilang augmentation force na 24 patrolman mula sa Police Regional Office (PRO 2).
Kasabay nito ang kahilingan ni PCapt. Galiza sa mga mamamayan na makipagtulungan para maiwasan ang anumang insidente.