--Ads--

CAUAYAN CITY – Inihayag ng Police Regional Office o PRO 2 na bumaba ng Index Crimes sa Region 2 sa 2nd quarter ng taong 2024.

Batay sa inilabas na datos ng PRO 2-Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD), bumaba ng 36.52% ang naitalang Index Crimes sa Cagayan Valley.

Batay sa Peace and Order Indicator, 283 ang bilang ng naitalang index crimes noong buwan ng Abril hanggang Hunyo noong 2023 kumpara ngayong taon na nakapagtala lamang ng 179.

Bumaba rin ng 2.17% ang naitalang non-index crimes pangunahin sa paglabag sa Special Laws at Local Ordinances.

--Ads--

Pinuri naman Police Regional Office 2 Police Brigadier General Christopher Birung ang dedikasyon ng mga kapulisan sa rehiyon upang mapababa ang naitatalang krimen.