--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaasahang personal na magtutungo sa Kuwait ang Indian Prime Minister para sa agarang repatriation ng mga nasawing Indian sa naganap na sunog sa isang gusali sa naturang bansa.

Karamihan sa mga nasawi ay mga Indian National habang dalawang Pinoy naman ang kritikal at patuloy na inooberbahan sa pagamutan.

Pagsabog ng LPG ang sanhi ng malaking sunog sa isang gusali sa Kuwait na ikinasawi ng mahigit apa’tnapung katao.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Janice Cainoy na maraming naka-imbak na gas cylinder sa mga exits ng naturang gusali kaya mabilis na sumiklab ang sunog.

--Ads--

Hindi umano maayos ang storage sa gusali kaya malaki ang pagkukulang ng may-ari ng building.

Naka-detain naman na sa ngayon ang may-ari nito sa malaking central jail sa Kuwait para sa imbestigasyon.

Samantala, nakikipag-ugnayan na ang Embahada ng Pilipinas sa Kuwait sa Pamilya ng mga Pilipinong nasugatan.

Nagdulot naman ito ng takot sa mga Pinoy na nasa Kuwait kaya sinisiguro na nila na maayos ang kanilang tinutuluyan at iniinspeksyon na din nila ang mga LPG upang masiguro na hindi maging sanhi ng sunog.