--Ads--

CAUAYAN CITY- Kasabay ng kapistahan ng Our Lady of Visitation Guibang ay namahagi ng mga libreng meryenda ang grupo ng mga Indian National sa mga deboto na nagtutungo sa simbahan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Paul Singh, isa sa mga miyembro ng Indian Community sa Ilagan at Tumauini, sinabi niya na simula 2012 aniya nilang ginagawa ang pagbibigay ng mga libreng meryenda tuwing ipinagdiriwang ang pista ng Our Lady of Visitation sa Guibang, Gamu.

Naisip aniya nila na gawin ito upang makatulong sa mga deboto na nauuhaw o nagugutom lalo na ang mga walang kakayahang bumili ng pagkain o meryenda.

Nagambang-ambang anya ang mga member ng Indian Community para makabili ng mga tubig, juice, at tinapay na ibibigay sa mga deboto.

--Ads--

Hindi anya iniisip ng indian community ang kanilang gastos bastat makatulong sa kapwa o sa iba.

Bagamat hindi anya sila mga christians subalit naniniwala rin anya sila sa pananampalataya ng mga katoliko.