--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang pulisya sa umanoy pagpatay at pagsunog sa indian national ng kanyang sariling bayaw na isa ring indian national sa Santiago City.

Ang biktima ay si Jundi Singh, 27 anyos, may-asawa, habang ang suspek ay si Surinder Singh, 40 anyos, kapwa merchandizer at kapwa residente ng CM Recto, Centro West, Santiago City.

Nauna rito ay nakatanggap ng tawag at tumugon ang Police StationĀ  1 ng Santiago City Police Office at dito nakita ang suspek na tinangkang tumakas subalit kaagad na nahabol at naaresto ng mga pulis.

Nakita sa loob ng apartment ang biktimang walang ng buhay at naliligo sa sariling dugo habang sunog ang ilang bahagi ng katawan nito .

--Ads--

Nakitaan rin ang dugo sa katawan ng suspek na hinihinalang dugo ng biktima.

Ang biktima at bayaw na suspek ay magkasamang isang apartment sa Santiago City.