--Ads--

Nagpakitang-gilas ang Pacers sa second half, kung saan Tyrese Haliburton bumawi at nagbigay ng clutch plays para sa kanyang koponan.

Si Bennedict Mathurin ay sumabak mula sa bench at umiskor ng 27 puntos, kabilang ang mahahalagang shot sa huling quarter.

Matindi rin ang pagsisikap mula sa Thunder, lalo na kay Shai Gilgeous-Alexander, pero bumangga sila sa matibay na depensa ng Pacers sa huling minuto.

Dahil sa panalong ito, dalawang tagumpay na lang ang Indiana Pacers bago sila itanghal na NBA champions sa unang pagkakataon.

--Ads--

Magugunitang noong Game 1, ginulat ng Pacers ang homecourt ng Thunder at nahabol nila ang 15-point deficit hanggang makuha ang dikit na panalong 111-110.

Sa Game 2, bumawi ang Thunder at tinambakan ang Pacers 123-107, kaya naging pantay ang serye bago ang Game 3.