CAUAYAN CITY – Limitado lamang ang mga indigent enrollees para sa student permit sa theoretical driving course na tinatanggap ng Land Transportation Office o LTO region 2
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, nilinaw ni Administrative Officer Manny Baricaua ng LTO region 2 na mayroong babayaran hindi libre ang mga nais na mag-enroll ng student permit sa theoretical driving course sa mga accreditted driving schools.
Sinabi pa niya na mayroon silang inilunsad noong 4th quarter ng 2020 na “ Drivers Education Center” sa kanilang regional office at sa Basco Batanes.
Dito anya sila tumatanggap ng mga mahihirap na nais makapag-enroll sa student permit sa theoretical driving course sa loob ng labing limang oras na libre.
Ang mga mahihirap na sasailalim sa theoretical driving course ay kinakailangang makapagpakita ng indigency certificate na galing sa barangay at sa kanilang Local Municipal Social Welfare Offices.
Kailangan din nila makapaghain ng Medical Clearance na galing sa City o Municipal Health Office.
Limitado lamang ang mga enrollees dahil sa loob ng isang buwan ay dalawang batch lamang ang kanilang tinatanggap na aabot sa sampong enrollees kada batch.