--Ads--

CAUAYAN CITY- Tinupok ng apoy ang isang indoor na Badminton Court sa San Mateo, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, mayroon umanong mga Pulis malapit sa nasusunog na court kung saan napansin nila na mayroong makapal na usok na nanggagaling sa lugar.

Agad naman nila itong pinuntahan at dito na nila nakita na nasusunog ang Badminton Court na pagmamay-ari ni Ginang Dela Cruz.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Barangay Kagawad Jeff Dela Cruz, pamangkin ng may-ari ng court, sinabi niya na 5,000 pesos lamang ang tinatayang halaga ng pinsala dahil ilang mga kagamitan lamanga ng nasunog gaya na lamang ng mga tarapal at mga gulong.

--Ads--

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog.

Hindi naman na kumalat ang apoy dahil mayroong malalaking pader sa paligid ng badminton court kaya hindi na lumaki pa ang sunog.

Nahirapan naman ang mga bumbero na apulahin ang sunog dahil sa maliit lamang na eskinita ang ang pwedeng daanan papasok sa naturang lugar.