--Ads--

CAUAYAN CITY – Inihayag ng Department of Tourism (DOT) region 2  na zero ang tourist arrival sa rehiyon simula noong buwan ng Marso 2020 dahil sa epekto ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay  Regional Director Virgilio Maguigad ng DOT region 2, sinabi niya na simula nang  ipatupad  ang lockdown ay natigil din ang turismo sa rehiyon.

Wala silang nairecord na tourist arrival sa panahon ng  COVID-19 pandemic dahil lahat ng mga tourist destination sa rehiyon ay nagsara .

Sinabi niya na noong taong 2018 ay umabot sa 8.4 billion ang naiambag  ng DOT region 2  sa ekonomiya ng bansa na hindi nalalayo sa naiambag nito  noong 2019.

--Ads--

Ayon pa kay Regional  Director Maguigad, napakalaki ang nawala sa industriya ng turismo ngayong taon ngunit  umaasa silang makakabawi ang tourist arrival sa rehiyon sa mga susunod na buwan kapag muling nagbukas ang turismo sa bansa.

Sinabi niya na  mahirap magsimula  sa tinatawag na new normal subalit sisikapin nilang mapaangat ang domestic tourism.

Gayunman, kailangan ang pag-iingat kapag bumalik na ang lokal na turismo sa bansa at mahigpit pa ring ipatutupad ang health protocol dahil hindi pa ganap na nasusugpo ang COVID-19.

Hinihintay na nila ang  kapasyahan ng  Inter-agency Task Force (IATF) kung magiging Modified General Community Quarantine (MGCQ) na sa July 1, 2020 ang region 2 at kung kailan mapasigla ang industriya ng  turismo sa bansa.

Ang pahayag ni Reginal Director Virglio Maguigad