CAUAYAN CITY – Inihayag ng National Economic and Development Authority o NEDA Region 2 na bumilis ang inflation rate sa Cagayan Valley sa loob ng pitong buwan ngayong taon.
Sa naging pahayag ni NEDA Officer Gina Dayag, sinabi niya na mula sa 4.6% inflation rate noong 2023 ay pumalo na ito sa 4.8 ngayong 2024.
Hindi pa man aniya natatapos ang taon ay malaki na ang inilobo ng inflation sa Region 2.
Aniya, ang Consumer Price index noong 2023 ay 122.66, ibig lamang sabihin nito na ang 100 pesos worth ng goods and services noong 2018 ay naging P122.66 na noong 2023.
Samantala ngayong July 2024 ang Consumer Price index ay umabot na sa 127.8, mas mataas sa Consumer Price Index na 122. 66 noong 2023.
Ang mga nakaapekto aniya sa Gross Regional Domestic Product (GRDP) ay ang Crops na may 18.7% contribution, construction na 13.8% contribution, wholesale and retail traid na may 13.2% contribution, manufacturing na 9.1% at education na 6.9% contribution.
Ito ay nagpapakita lamang na habang tumatagal ay tumataas rin ang inflation sa Rehiyon na siyang naging dahilan ng mahal na bilihin sa merkado.