Inflation rate sa Isabela bahagyang tumaas-PSA

55

Naitala ng Philippine Statistics Authority o PSA Isabela ang 3.8 percent na inflation para sa Lalawigan ng Isabela.

Inihayag ni PSA Isabela Chief Statistical Specialist Julius Emperador na mas mataas ito ng 0.6 percent noong nakaraang buwan ng Hulyo na 2.2 percent na mas mataas din sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Kabilang sa mga pangunahing dahilan sa pagtaas ng inflation sa Isabela ay ang housing, water, electricity, gas at fuel na may 0.4 percent o 58.1 percent uptrend.

Mas naging mabilis din ang pagtaas ng presyo ng karne at alcoholic beverages nitong Hulyo na may 6.3 o 30.3 uptrend inflation.

--Ads--

May pagtaas din sa public transport na may 4.3 percent o 10. 1 percent uptrend na pinangunahan ng gasolina na may 6.9 percent, diesel na may 11.1 percent at iba pang passenger transport.

Naitala naman bilang Major Contributors sa mas tumaas na inflation ang Food and Non- Alcoholic Beverages na may 6.3 percent o 74.4 percent share para sa buwan ng Hulyo kabilang dito ang mga Bigas na may 14.7 percent, Karne  na may 4.6 ,gulay, LPG na may 17.5 percent at Kare ng Baboy sariwa man o frozen meat na may 3.1 percent.

May pinakamalaking ambag din sa pangkalahatang inflation sa Lalawigan ang Restaurant and Accomodation Services na may 4.2 percent maging Educational Services na may 0.4 percent.

May pagbaba naman sa Personal Care at Miscellaneous Good and Services habang nanatili ang inflation rate para sa clothing, furnishing, recreation activities at financial services.

May bahagyang pagbagal din sa inflation ang bigas na may 18.8 percent, Isda na may 1.1 percent, ready made food na may 7.4 percent at prutas na may 4.5 percent.