--Ads--

CAUAYAN CITY – Tinututukan  ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela ang information dissemination campaign sa bakuna kontra Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Information Officer Elizabeth Binag, sinabi niya na maliban sa pagtukoy sa mga vaccination sites ay nagbibigay sila ng mga impormasyon sa mga mamamayan tungkol sa bakuna.

Itoa y dahil sa mababang bilang ng mga mamamayan na gustong magpabakuna laban sa virus.

Ayon kay Atty. Binag, batay sa datos nasa 49 hanggang 50% lamang ang mga nais na magpaturok ng bakuna.

--Ads--

Ito ngayon ang tinututukan ng IPHO sa pamamagitan ng Health and Education Provincial Office (HEPO), Provincial Infromation Office (PIO) at media.

Ipinapakalat nila ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa bakuna sa pamamagitan ng mga townhall meetings, orientations, social media at pagbibigay ng mga flyers.

Sinasagot din ang mga katanungan at concern ng mamamayan upang sila ay mahikayat na magpabakuna at maging ligtas sa COVID-19.

Ang pahayag ni Atty. Elizabeth Binag.