--Ads--

Problema ngayon ng mga simbahan sa lungsod ng Santiago ang naglalakasang barker ng mga kandidato dahil nagiging sanhi ito ng distraction habang kasalukuyan ang misa.

Sa naging pagpapahayag ni Fr. Ronald Factor ng St. Francis of Assisi Parish – Santiago City, nakiusap siya sa publiko partikular sa mga kandidato na bigyan ng mandato ang kanilang supporters na iwasang lakasan ang barker tuwing nasa tapat o malapit sa mga simbahan.

Kahit magkakaiba aniya ng relihiyon ay dapat respetuhin pa rin ang pananampalataya ng bawat isa dahil ilang minuto lamang ang misa kumpara sa buong araw na pangangampanya ng mga kandidato.

Pinayuhan pa niya ang mga kandidato na magbigay ng paggalang sa mga simbahan dahil ito ang pinakamagandang katangian ng isang lider.

--Ads--

Aniya, dalawang beses na niyang naranasan ang bahagyang ma-distract habang siya ay kasalukuyang nangangaral sa dalawang simbahan sa Santiago City.

Pabiro pang hinikayat ni Fr. Factor ang publiko na huwag iboboto ang sino mang kandidato na makikitaang walang paggalang sa pananampalataya ng ibang tao.