--Ads--

Itinaggi ng Presidential Communications Office (PCO) Secretary na si Dave Gomez ang ulat ukol sa isang insidente ng harassment na diumano’y kinasangkutan ng convoy ng anak ng Pangulo sa North Luzon Expressway (NLEX) noong Sabado, Pebrero 21, 2026.

Ayon kay Gomez, wala umanong katotohanan ang mga alegasyon at nilinaw niyang walang insidente ng harassment na naganap sa nasabing araw.

Wala ring mga detalye na inilahad ukol sa naturang insidente na iniulat ng ilang mga saksi sa social media.

Hindi binanggit ni Gomez ang mga posibleng motibo o pinagmulan ng nasabing mga pahayag, ngunit tiniyak niyang patuloy na magiging bukas ang administrasyon sa mga imbestigasyon kung kinakailangan.

--Ads--