Ipinagpapatuloy ng mga otoridad sa Lungsod ng Santiago ang maigting na pagpapatupad ng batas trapiko, kaya’t pinapaalalahanan ang mga motorista na tiyaking updated ang kanilang lisensya at rehistro.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Dennis Buendia, Officer-in-Charge ng Land Transportation Office (LTO) Santiago City, hinikayat niya ang publiko na agad asikasuhin ang anumang paglabag upang maiwasan ang pagdami ng multa at abala sa mga susunod na transaksyon.
Ayon kay Buendia, mahalagang maayos agad ang mga violations dahil kapag umabot sa 40 demerit points, awtomatikong mare-revoke ang lisensya ng isang motorista.
Dagdag pa ng LTO, mas mainam na agad bayaran o ayusin ang multa upang hindi na ito lumaki at magdulot ng mas malaking problema sa hinaharap.










