CAUAYAN CITY- Isinasagaw ngayong ang Inter Agency and Volunteer Groups responders on disaster challenge sa Sports Complex sa lungsod ng Cauayan
Ito na ang ikalawang araw na pagsasagawa ng nasabing patimpalak dahil natapos na rin ang elimination round ng mga Barangay Responders on Disaster kahapon
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Operations Officer ng CDRRMO na si ginoong Danilo Asirit Jr, sinabi niya na ang hanay ng mga ahensiya sa lungsod at mga volunteer groups ang nagtatagisan ng kakayahan ngayong araw
Kabilang dito ang BFP, BJMP, RTC, TOG 2 at PNP Swat team KAAKIBAT CIVICOM, KAAKIBAT RADIOCOM, POSD at ILANG MGA TODA
Preparasyon ito para samga kalamidad na maaring maranasan at paraan din ito upang masuri ang pisikal na kakayahan ng mga responder
Samantala, kahapon ay natapos na rin ang elimination ng mga Barnagay responder kung saan isang barangay ang mananalong magrerepresenta sa kani kanilang rehiyon
Sa Forest region ay wagi at irerepresenta ng Barangay Casalatan, sa East Tabacal ay Brgy Andarayan, sa Tanap Region ay Minante 2, sa west region ay ang Brgy. Duminit at sa poblacion ay irerepresenta naman ng brgy Alicaocao
Ayon sa hanay ng CDRRMO, ang mga barangay talaga ang pangunahin na target ng nasbaing challenge
Sila kasi ang pangunahin na nakakaranas at nakakaalam ng mga kalamidad na nangyayari sa kanilang nasasakupan











