--Ads--

Tiniyak ng City Cooperative Office ng Cauayan City na mananatili ang interest rate ng pautang ng mga kooperatiba sa kanilang mga miyembrong magsasaka ngayong paparating ang cropping season.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Cooperative Officer Sylvia Domingo, sinabi niya na isa sa kanilang pinangangambahan ay ang posibleng pagtaas ng interest rate dahil sa tumataas na presyo ng mga produktong petrolyo.

Ngunit sinabi niya na susubaybayan ng kanilang opisina ang mga kooperatiba upang matulungan ang mga magsasaka na makauutang pa rin nang hindi nadaragdagan ang interest rate.

Sa kasalukuyan, ang interest rate ng bawat pautang kada cropping ay nasa 6 hanggang 10 porsyento, depende sa kooperatiba. Nilinaw ni Domingo na ang pagpapanatili ng rate ay makakatulong sa mga magsasaka, lalo na kung bumaba ang presyo ng palay sa merkado.

--Ads--

Dagdag pa niya, positibo naman ang naging tugon ng mga magsasaka sa kanilang programa, dahil nabibili nila ang kanilang palay sa halagang ₱20 hanggang ₱25 kada kilo, na nakakatulong sa kanilang kabuhayan sa kasalukuyang panahon.