--Ads--

CAUAYAN CITY- Ginanap sa Isabela Convention Center ang interfaith rally, candidate’s forum, at peace covenant ng mga kandidato sa Cauayan ngayong nalalapit na National and Local Election.

Dumalo naman ang mga kandidato mula sa dalawang partido, kasama ang hanay ng Philippine National Police (PNP), Public Order and Safety Division (POSD), Philippine Airforce, Mga kasundaluhan mula sa 5ID, Bureau of Fire Protection (BFP), kawani ng COMELEC, Department of Interior and Local Government (DILG), mga barangay officials, supporters, at iba pa.

Ayon sa pahayag ni Ginang Lakambini Cayaba, City Local Government Operations Officer ng DILG Cauayan, umaasa aniya ang kanilang hanay na magiging mapayapa ang takbo ng halalan ngayong taon.

Ayon pa kay DILG Officer, inaasahan na walang vote buying, vote selling, violence at harassment na magaganap ngayong election at paiigtingin ang mapayapang halalan para sa kapakanan ng mga mamamayang cauayeño.

--Ads--

Magkakaiba man aniya ang hangarin ng mga kandidato, hangad naman na ipakita pa rin sa taong bayan ang pakikipagkapwa tao sa kabila man aniya ng personal na isyu.