CAUAYAN CITY- Ginaganap ngayong araw sa City of Ilagan ang 2025 Investment Forum na isang joint partnership ng City of Ilagan at City of Ilagan Chamber of Commerse Industry.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jose Avelino Diaz, ang Presidente ng City of ilagan Chamber of Commerse Industry, sinabi niya na ang investment forum ay isang plataporma kung saan dito mailalahad ang mga plano ng City Government para sa Lunsod ng Ilagan na dinadaluhan ng mga mamumuhunan mula sa iba’t ibang panig ng bansa kabilang ang Chamber of Commerse ng buong North Luzon.
Aniya nabibigyan din ng pagkakaton ang mga mamumuhunan sa Lunsod na makapag present ng kanilang plataporma para sa pagnenegosyo.
Inaasahan niya na sapamamagitan ng Investment Forum 2025 ay mas mapapalago pa ang sektor ng pagnenegosyo sa Lunsod ng Ilagan gayun nadin na makapag plano kung paano mas mapapangalagaan pa ang mga negosyo at pamumuhunan sa Lunsod.
Magiging daan din ito para sa mga naghahanap na possible business partners, maliban pa sa pagpapalago sa iba pang sektor gaya ng edukasyon at agrikultura.
Ipinagmamalaki naman ng City of Ilagan Chamber of Commerse Industry ang napaka gandang takbo ng pagnenegosyo sa Lunsod na sana ay balang araw maging daan para makilala ang Lunsod sa kalarangan ng pagnenegosyo sa pamamagitan ng iba’t ibang programa.











