--Ads--

Idinulog sa Bombo Radyo Cauayan ng mga mangingisda sa Magat Dam ang umano’y paniningil sa kanila ng NIA-MARIIS ng 100 pesos kada linggo para sa mga feeds na ipinapasok sa lugar para sa kanilang mga fish cages.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa isa sa mga fish cage owner na si Dominador Pagaduan, sinabi niya na nagsimula ang naturang paniningil noong unang araw ng Pebrero 2026.

Aniya, ikinagulat nila ito dahil wala namang naiparating sa kanila na kailangang bayaran para makapagpasok ng feeds at iba ang farm inputs.

Hindi rin umano nabanggit sa kanila kung para saan ang sinsingil na isandaang piso sa bawat cage owners.

--Ads--

Giit ni Pagaduan, malaking kawalan sa kanila ang 100 pesos kada linggo lalo na at madalas silang makaranas ng pagkalugi sa pag-aalaga ng isda tuwing may kalamidad.

Dagdag pa anya sa kanilang gastusing ang pagpapatupad ng fishcage registration na 10 pesos hanggang 15 pesos per squarmeter ng kanilang fishcage kada taon.

Dati kasi ay dalawang piso lamang ang sinisingil bawat square meter at marami pang hindi nakakabayat. Dahil dito ay mas nangangamba anya silang mas lalo darami ang hindi makakabayad kung itataas na ito sa 10 – 15 pesos per square meter.

Samantala, inihayag ng pamunuan ng NIA-MARIIS na matagal nang umiiral paniningil sa mga mangingisda  para sa mga ipinapasok nilang kagamitan sa kanilang mga fish cages.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Carlo Ablan, Division Manager ng Dam and Reservoir Division ng NIA-MARIIS, sinabi niya na nahinto lamang ang paniningil noong 2019 hanggang sa kasagsagan ng pandemya at muling ipinatupad ngayong 2026.

Aniya, mayroong administrative order kaugnay sa paninigil ng 100 pesos bilang gate pass ng mga ipinapasok na materyales sa pangisda sa Magat na para umano sa operational maintenance at upang mamonitor ang mga pumapasok sa lugar at kung sino pa ang may mga fish cages maliban sa 540 registered fish farmers sa Magat Dam.

Kabilang sa mga pinagkakagastusan sa maintenance at ang mg kagamitan para sa water quality monitoring.

Ayon kay Ablan, nagkaroon naman umano ng consultation sa pamamagitan ng mga asosasyon ng mga fish cage owners sa Magat.

Samantala, ipinaliwanag naman niya na ang sinisingil na 10 pesos per square ay napagusapan noon sa isang pagpupulong sa Baguio kasama ang BFAR, NIA at iba pang ahensiya na dapat singilin sa mga fisherfolks.

Anya, matagal na kasing dalawang piso lamang ang sinisingil sa registration kung kayat ito’y pinag-aralang muli napagkasunduan ang nasabing halaga.