CAUAYAN CITY- Pormal ng ipinasakamay ngayong araw ang mga itinayong school building sa ilalim ng Humanitarin Civic Assistance sa Balikatan Exercises 2024 sa Baragay San Agustin sa San Fernando City, La Union at Barangay Alanay Lasam, Cagayan.
Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga opisyal ng LGU at tropa ng AFP at US Army.
Maliban sa mga bagong school building ay may ibinahagi ring laptop para sa nabanggit na mga paaralan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Lt. Col. Rodrigo Lutao, Information Officer ng AFP Northern Luzon Command sinabi niya na katatapos lamang ng counter landing drills kasama ang US forces kahapon.
Aniya sa pamamagitan nito ay maipapakita ang interoperability ng dalawang bansa kung paano dedepensahan ang kanilang AOR kung sakaling may pumasok na kalaban.
Malaking tulong aniya na madevelop ng husto ang interoperability para magamit sa command in control ng mag kaibang pwersa o mga sundalong mula sa magkaibang bansa.
Maliban sa counter landing ay may iba’t ibang drills pa ang isinagawa ng Armed Forces of the Philippine at US Forces kasama ang maritime operations at patroling.
Lahat ng ito aniya ay mahalaga lalo na sa panahon ng digmaan.