--Ads--

CAUAYAN CITY – Regular na nagtatalaga ang Philippine National Police (PNP) ng mga pulis sa mga sementeryo para magkaroon ng maximum police visibility tuwing panahon ng undas.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni  PCol James Cipriano, panlalawigang director ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) na layunin nito na matiyak na sumusunod ang mga dumadalaw sa sementeryo sa mga panuntunan lalo na sa minimum health protocol para maiwasan ang hawaan sa virus.

Naglalagay din sila ng Police Assistance Desk para matulungan ang mga dumadalaw sa sementeryo na may mga concern  o suliranin.

Mahigpit aniyang ipagbabawal ang pagdadala sa mga sementeryo ng alak at bladed weapon.

--Ads--

Ayon pa kay PCol. Cipriano, kailangan pa rin ang mga  force multiplier sa barangay na magbantay sa mga sementeryo.

Kasama rin sa kanilang mga contigency ang pag-iikot ng mga pulis sa barangay para mahadlangan ang maaaring pagsasamantala ng mga kawatan sa panahon ng undas.

Ang pahayag ni PCol James Cipriano