--Ads--

Nagbabala ang Iran laban sa mga bansa na makikialam sa kanilang digmaan kontra Estados Unidos at Israel, kasunod ng panawagan ni Pangulong Donald Trump na eskortahan ang mga tanker sa Strait of Hormuz.

Ayon sa Foreign Minister ng Iran, matatapos ang digmaan kapag sigurado silang hindi na mauulit at may babayarang reparations. Idinagdag niya na may ebidensya silang ginagamit ang US bases sa mga arab countries para sa pag-atake.

Tumaas ang presyo ng langis dahil sa sagupaan, at nanawagan si Trump sa China, France, Japan, South Korea, at UK na magpadala ng barko para tiyakin ang kaligtasan ng transportasyon, ngunit nagbigay lamang ang mga ito ng maingat na tugon. Ipinagpapatuloy ng US ang pag-atake sa mga drone, bangka, at missile sites ng Iran, at maaaring bombahin muli ang Kharg Island.

Nagbanta naman ang bagong supreme leader ng Iran na mananatiling sarado ang Strait of Hormuz. Sa kabila ng tensyon, normal pa rin ang buhay sa Tehran: bukas ang mga cafes at palengke, at bumalik na sa trabaho ang mga residente.

--Ads--

Mahigit 1,200 ang nasawi at tinatayang 3.2 milyon ang nawalan ng tirahan dahil sa US at Israeli strikes, habang higit 15,000 target sa Iran ang tinamaan ayon sa Pentagon.