--Ads--

Nagbabala ang Iran na tutugon ito sa pamamagitan ng pagtarget sa mga enerhiya at water infrastructure sa buong Persian Gulf region kung tutuparin ng Estados Unidos ang banta nitong atakihin ang mga power plant ng Iran bilang bahagi ng tensiyon sa Strait of Hormuz.

Kung aatakihin ang grid ng kuryente ng Iran, ayon sa banta, kasama sa magiging target ang mga planta ng enerhiya at desalination sa mga bansa sa Gulf na kritikal para sa suplay ng tubig at kuryente sa rehiyon.

Ang babalang ito ng Tehran ay kasunod ng ultimatum mula kay US President Donald Trump na ire-open ang Strait of Hormuz sa loob ng itinakdang panahon, o haharapin ang posibleng pambobomba sa mga pasilidad ng kuryente ng Iran.