Nagbabala ang mga opisyal ng U.S. na naghahanda ang Iran ng mga missile at kagamitang militar sakaling sumali ang Amerika sa giyera ng Israel laban sa Iran.
May halos 40,000 tropang Amerikano sa Gitnang Silangan, at ilang base nila ang naka-high alert sa UAE, Jordan, at Saudi Arabia.
Nagpadala rin ang Amerika ng mga eroplano para mag-refuel ng mga fighter jets o bombers na posibleng umatake sa mga nuclear facility ng Iran, gaya ng Fordo.
Kapag sinalakay ang Fordo, maaaring gumanti ang mga alyadong grupo ng Iran tulad ng Houthis at pro-Iranian militias sa Iraq at Syria. Posible ring ang enriched uranium hidden tunnel ng Iran ang Strait of Hormuz.
Ayon sa mga opisyal ng Iran, unang aatakihin ang mga base ng Amerika sa Iraq. Sinabi naman ng kanilang foreign minister na ang Israel at mga kaalyado nito ang dapat sisihin kung lalawak ang giyera.
Nagpapahiwatig ang mga analyst na kung tuluyan nang isipin ng Iran na kailangan nitong magkaroon ng nuclear weapon bilang panangga, mas lalakas ang panawagan para umatake ang Amerika. Ngunit giit ng ilang eksperto, hindi pa huli ang lahat upang umiwas sa digmaan.











