--Ads--

Inihayag ng Israel, batay sa dalawang sources na pamilyar sa insidente, na nasawi na umano si Iranian Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei matapos ang isinagawang pag-atake ng Israel at Estados Unidos noong Sabado, Peb. 28, 2026.

Ayon sa isang source, nakakuha umano ang Israel ng litrato ng katawan ni Khamenei, habang sinabi naman ng ikalawang source na naghahanda ng opisyal na anunsiyo ang pamahalaan.

Bago ito, sinabi ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu na may maraming senyales na si Khamenei ay “no longer with us.”

Samantala, pinabulaanan naman ito ng Iranian Foreign Ministry spokesperson Abbas Araghchi na ang pangulo at ang Supreme Leader ay “safe and sound.”

--Ads--

Si Khamenei ang humalili kay Ayatollah Ruhollah Khomeini, lider ng 1979 Islamic Revolution, at may huling desisyon sa lahat ng pangunahing polisiya sa bansa.

Pinamumunuan niya ang Iran’s clerical establishment at ang paramilitary Revolutionary Guard, na dalawang pangunahing sentro ng kapangyarihan sa theocracy ng Iran.

Gayunpaman, hanggang sa ngayon ay hindi pa nakikita sa publiko ang lider ng Iran mula nang magsimula ang serye ng mga pag-atake.