--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang tao habang nasa malubhang kalagayan ang isa pa makaraang suwagin ng kalabaw sa Villa Concepcion, Cauayan City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan nagtungo sa Villa Concepcion si Agapito Asirit, 72 anyos, residente ng Dicamay, San Mariano, Isabela upang bilhin ang babaeng kalabaw ni Jimmy Alejando, 67 anyos.

Sa di malamang  dahilan  ay biglang nagwala ang babaeng kalabaw at dito sinuwag ang kanyang amo na si Alejando na agad dinala sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival dahil sa mga tanamong malalim na sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Habang si Agapito Asirit ay nasuwag ng kalabaw sa kanyang tiyan na ngayon ay inoobserbahan ng mga doktor sa isang pribadong pagamutan.

--Ads--