--Ads--

Isa ang naitalang nasawi at 30 ang nawawala pa matapos ang naganap na landslide sa isang landfill sa Cebu City.

Karamihan sa mga biktima ay trabahador ng materials recovery facility sa Barangay Binaliw.

Nakailigtas naman ng mga otoridad ang siyam na katao at dinala na ang mga ito sa pagamutan.

Nagalit ang mga kaanak ng biktima matapos na hindi sila pinapasok ng mga guardiya sa lugar dahil tanging mga rescuers lamang ang pinapasok.

--Ads--


Nagpapatuloy naman ang ginagawang rescue ng mga otoridad sa nasabing lugar.