Isa ang nasawi matapos isagawa ng Israeli army ang sunud-sunod na pag-atake sa Southern Lebanon. Ayon sa militar ng Israel, ang mga pag-atakeng ito ay target ang isang miyembro ng Hezbollah at sa ilang imprastruktura ng grupo.
Ang mga insidente ay naganap ilang araw matapos ideklara ng Lebanese military na nakumpleto nila ang unang yugto ng nationwide plan na pag-disarma ng Hezbollah sa Southern part ng Litani River.
Ang Ministry of Health ng Lebanon ay nag-ulat ng pag-atake sa isang sasakyan sa lungsod ng Bint Jbeil ay nagdulot ng pagkamatay ng isang sibilyan. Bukod dito, iniulat ng National News Agency (NNA) na mahigit sampung raids ang isinagawa ng Israeli warplanes sa bayan ng Kfar Hatta, na matatagpuan sa northern part ng Litani River, na nagdulot ng malaking pinsala sa mga gusali.
Nagbigay ang Israeli military ng babala sa evacuation sa Kfar Hatta bago ito muling isinagawa, na sinasabing ang target ay Hezbollah infrastructure sa ilang lugar. May karagdagang pag-atake rin na naka-target sa isang underground site na ginagamit para sa imbakan ng armas ng Hezbollah.
Ang Israel ay nagsabi na ang mga hakbang ay tugon sa patuloy na paglabag ng Hezbollah sa ceasefire na napagkasunduan noong huling bahagi ng 2024, matapos ang higit isang taon ng labanan sa grupo.











