CAUAYAN CITY – Umaani rin ng papuri at pagbati ngayon ang isa pang atleta ng Lunsod ng Ilagan na si John Carlo Yuzon, residente ng Bagumbayan, City of Ilagan, at Grade 11, sa Isabela National High School ay bronze medalist, sa 200 meter run kaninang umaga.
Unang nagwagi ng silver medal sa high jump ang Ilaguenio na si Wally Gacusan, grade 11 sa Sta. Isabel Norte National High School sa Lunsod ng Ilagan.
Samantala, pinuri at hinangaan ng karamihan sa mga atleta at coach ng iba’t ibang bansa sa 12th South East Asia Youth Championship ang magandang pag-asikaso sa kanila at masasarap na pagkain na isinisilbi sa kanila.
Ang lady coach ng Indonesia ay tuwang-tuwa na sa unang pagkakataon ay nakakita at nakasakay siya ng tricycle sa Lunsod ng Ilagan.
Sa kanilang lugar sa Indonesia ay walang tricyle .
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa Lady Coach na si Anoorut Imaniat ay sinabi niya na hospitable at palaging nakangit ang mga tao sa Lunsod ng Ilagan.
Sinabi pa ni Imaniat na maganda ang pag-asikaso at masasarap ang pagkain sa kanilang tinutuluyang City of Ilagan Hotel and Convention Center.
Bukod sa mga pagkain ay pinuri rin ng lady coach ang mga kakanin na kanyang natikman tulad ng delicacy na may niyog sa loob.
Maging ang double silver medalist sa 200 at 100 meter run ng Malaysia na si Mohamad Lihan Suhalmi ay pinuri ang mga pagkain at maayos na pag-asikaso sa kanila.
Masarap aniya ang mga natikman niyang luto sa isda.