--Ads--

CAUAYAN CITY – Kinumpirma ni Governor Rodito Albano na isa pang mayor sa Isabela ang nagpositibo sa Coronavirus Disease (CoViD-19).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gov. Albano, sinabi niya na ang mayor  ay isa sa nakasalamuha ng nagpositibong city councilor  sa lunsod ng Ilagan.

Hindi nila nakasabay sa swab test ang mayor  dahil sa pangambang carrier na siya ng virus matapos mapag-alamang nagpositibo sa CoViD-19 si  Mayor Josemarie Diaz at ang anak na miyembro ng Sangguniang Panlunsod na huli niyang nakasalamuha.

Ayon pa kay Gov. Albano, ang bagong nagpositibong mayor ay naunang sumailalim sa rapid test at  negatibo ang resulta nito subalit nagpositibo siya sa swab test.

--Ads--

Dahil dito ay  isasailalim ngayong araw ang mayor ng Delfin Albano, Isabela sa ikalawang  swab test para sa confirmatory.

Asymptomatic ang mayor  na  sumasailalim na sa home quarantine.

Ang pahayag ni Gov. Rodito Albano

Samantala, sa kabila ng muling pagkakatala ng mga bagong CoViD-19 positive kahapon sa region 2 ay hinimok ni Governor Albano ang publiko na huwag mangamba at sundin ang mga  health protocol  sa paglaban sa CoViD-19.

Ang pahayag ni Gov. Rodito Albano.