--Ads--

CAUAYAN CITY- Isa ang patay habang dalawa ang sugatan makaraang araruhin ng forward truck sa Aritao, Nueva Vizcaya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Chief Insp. Jobberman Vides, hepe ng Aritao Police Station na ang namatay ay si Marie Josie Faborada, 34 anyos, dalaga at residente ng Nueva Vizcaya habang ang mga nasugatan ay sina Richard Jacinto,25 anyos at Rosita Madronio,58 na kapwa residente ng Nueva Vizcaya.

Sinabi pa Chief Inspector Vides na ang tatlong biktima ay naghihintay ng kanilang masakyan sa gilid nang lansangan nang dumating ang mabilis na forward truck na minamaneho ni Rey Acosta, tatlumput dalawang taong gulang at residente ng Quezon, Isabela .

Dahil sa mabilis pagpapatakbo ni Acosta ng forward truck sa pakurbadang daan sa Aritao ay inararo makaraang hindi napansin ang mga nakaparadang jeep at elf truck sa gilid nang lansangan maging ang tatlong biktimang naghihintay ng sasakyan.

--Ads--

Agad na isinugod sa pagamutan ang mga biktima ngunit idineklarang dead on arrival sa pagamutan si Faborada.