CAUAYAN CITY – Isa ang patay habang dalawa ang nasugatan sa banggaan ng motorsiklo at kotse sa Magdalena, Cabatuan,Isabela .
Ang namatay ay si Rizalyn Silva, 37 anyos, may-asawa samantalang sugatan naman sina Rodolfo Silva, 47 anyos, may-asawa at Alfred Silva,11 anyos, pawang residente ng Sampaloc, Cabatuan, Isabela.
Habang ang kanilang nakabanggaang kotse ay minamaneho ni Ariel Christopher Dangan, 21 anyos, binata, teller ng isang bangko at residente ng District 1, Cauayan City.
Binabagtas ni Dangan ang pambansang lansangan patungo sa silangang direksyon at nang mapadako ito sa inter-section sa Barangay Magdalena ay aksidente nitong nabangga ang motorsiklo ng mga biktima.
Isinugod sa pagamutan ang mga biktima ngunit idineklarang dead on arrival si Rizalyn.
Nasa pangangalaga na ng Cabatuan Police Station ang dalawang sasakyan na nasangkot sa aksidente maging ang drayber ng kotse na si Dangan.




