--Ads--

CAUAYAN CITY – Isa ang patay, tatlo ang nasugatan sa dalawang aksidente sa Isabela.

Nasawi ang animnapung taong gulang na si Pedro Tugade, tsuper ng tricycle makaraang mabangga ng dump truck sa La Paz, Cabatuan, Isabela.

Samantala, nasugatan ang tatlong pasahero ng tricycle makaraang bumangga sa isa pang tricycle sa Barangay District 3, San manuel, isabela.

Ang isang tricycle ay minaneho si Jayson Cafirma sakay sina Cherry Cafirma, John Lloyd Cafirma at Daisy Lorenzo na pawang residente ng Barangay Sta. Cruz, San Manuel, Isabela. Sila ay nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan habang ang kanilang nakabanggang tricycle ay minaneho ni Reymundo Mendoza na residente rin ng Sta. Cruz, San Manuel, Isabela.

--Ads--

Sa imbestigasyon ng San Manuel Police Station, binabagtas ni Cafirma ang provincial road patungo sa Barangay Sta. Cruz nang biglang sumulpot ang tricycle na minamaneho ni Mendoza mula sa Barangay Road patungo sa Provincial Road na nagsanhi ng kanilang banggaan.

Ang mga nasugatan ay dinala sa isang ospital sa Aurora, Isabela.