--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang may-ari ng junkshop matapos na masangkot sa karambola ng mga sasakyan sa Villaros, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Sangkot sa banggaan ang isang Rusi motorcycle na minaneho ni Benjamin Manantan, 42-anyos, construction worker, nakatira sa Nagsabaran, Diadi, Nueva Vizcaya, isang Toyota Hillux na minaneho ni Jayson Magbitang, 42-anyos, residente ng Dipintin, Nagtipunan, Quirino at Isuzu Truck Tractor Head na minaneho ni Regie Palacay, 22-anyos, binata, residente ng Cabaritan East, Ballesteros, Cagayan.

Batay sa pagsisiyasat ng pulisya, patungong Solano ang motorsiklo habang patungong Diadi ang Pick up at Truck nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay nag-overtake sa truck ang pick up at nabanga nito ang kasalubong na motorsiklo.

Sa lakas ng banggaan ay tumilapon ang backrider na si Roselyn Taberna, 45-anyos, may-ari ng junkshop at residente ng Nagsabaran, Diadi Nueva Vizcaya at nasagasaan pa ng sumusunod na truck.

--Ads--

Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ng biktima na naging sanhi ng pagkasawi nito.

Dinala ang driver ng motorsiklo sa Region II Trauma and Medical Center (R2TMC) para sa atensyong medical habang hindi naman nagtamo ng sugat ang tsuper ng pick up at truck.