NUEVA VIZCAYA – Isa ang patay, isa rin ang nawawala habang dalawa ang ligtas na narescue sa magkahiwalay na insidente ng pagkulunod sa bayan ng Aritao.
Ang natagpuang patay ay si Juanito Valera, pitumpu’t limang taong gulang, Market Vendor at a residente Kirang, Aritao, Nueva Vizcaya.
Tumatawid ang biktima sa isang tulay at patungo sana sa kanyang trabaho nang matangay siya ng malakas na agos ng tubig.
Natagpuan naman ang kanyang bangkay sa Cutar, Aritao, Nueva Vizcaya kahapon ng tanghali.
Samantala, ligtas namang narescue sina Laila Ramirez, dalawampu’t pitong taong gulang at Alfredo Julian, animnapu’t dalawang taong gulang, kapwa residente ng Balite, Aritao, Nueva Vizcaya.
Ang nawawala naman ay ang asawa ni Laila Ramirez na si Nico Ramirez, dalawampu’t anim na taong gulang, residente rin ng Balite, Aritao.
Sinundo ng mag-asawa ang ama ni Laila na mula sa Metro Manila pero inanod ng malakas na baha habang tumatawid sa tulay pauwi.
Pansamantala namang itinigil ang Search, Rescue and Retrieval Operation sa nawawalang biktima kahapon dahil sa pagkakakuryente ng isang pulis habang nagsasagawa ng rescue operation.
Nakilala naman ang pulis na si Patrolman John Marvin Estocado, kasapi ng 2nd NVPMFC at nasa ligtas ng kalagayan.