--Ads--

CAUAYAN CITY– Patay na ang isa sa dalawang biktima ng pamamaril sa Barangay District 3.

Ang namatay ay si Socrates Bala Sr., 41 anyos, may-asawa habang nilalapatan pa rin ng lunas ang isa pang biktimang si Tintin.

Sa paunang pagsisiyasat ng Cauayan City Police Station ang mga biktima ay namili sa isang groserya at nang papasakay na sila sa kanilang Toyota Hilux na nakaparada sa harapan ng isang bahay kainan ay biglang dumating ang dalawang pinaghihinalaan na sakay ng motorsiklong walang plaka.

Biglang pinagbabaril ng isa mga pinaghihinalaan ang dalawang biktima na kaagad dinala sa pagamutan.

--Ads--

Nasawi ang biktimang si Bala makaraang magtamo ng tama ng bala ng baril sa kanyang dibdib.

Batay sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) tatlong basyo ng bala ng Cal. 45 ang nakuha sa pinangyarihan ng pamamaril.