--Ads--

Isang aksidente ang naganap na kinasangkutan ng Sniper single motorcycle at tricycle kaninang alas-2:20 ng hapon sa kahabaan ng highway sa Barangay Paraiso, Cabatuan.

Ayon sa ulat, parehas na patungo sa Cabatuan proper ang dalawang sasakyan nang mauna ang tricycle, na sinusundan ng Sniper. Sa lugar ng aksidente, nabangga ng Sniper ang likurang bahagi ng tricycle, dahilan upang matilapon ang tsuper nito.

Nagtamo ang tsuper ng tricycle ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan, habang ang tsuper ng motorsiklo ay hindi naman nasaktan.

Agad na rumesponde ang mga kasapi ng Rescue team ng Cabatuan upang bigyan ng paunang lunas ang biktima.

--Ads--

Patuloy ang imbestigasyon ng lokal na pulisya upang matukoy ang sanhi ng banggaan.