--Ads--
CAUAYAN CITY-Nakalalasing na inumin ang dahilan sa nangyaring vehicular accident na naitala ng rescue 922 sa buong magdamag.
Sa naging pagbisita ng Bombo Radyo News Team sa Cauayan City Command Center, napag alaman na nagkaroon ng banggaan sa pagitan ng isang SUV at Kolong Kolong sa Brgy. San Fermin.
Ayon sa mga rumespondeng rescuers, nagtamo ng galos ang driver ng kolong-kolong habang maayos ang kalagayan ng driver ng SUV.
Tumangging magpadala sa ospital ang driver ng kolong-kolong at pinili na lamang umuwi matapos ang kanilang pag-uusap sa driver ng SUV
--Ads--
Dahil dito, muli na namang nagpaalala ang rescue 922 sa publiko na makinig sa kanilang panawagan na huwag mag maneho pag nakainom ng alak.











