CAUAYAN CITY- Sugatan ang isang motorcycle rider tapos siyang mahagip ng isang pampasaherong bus sa Barangay Castillo, Echague, Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Heherson Serafica ang Deputy Chief of Police ng Echague Police Station sinabi niya na ang aksidente ay naganap 6:45 ng gabi kung saan isang concerened citizen ang nag report nito.
Sangkot sa aksidente ang Isang Five-star passenger bus na minamaneho ni John Patrick Rivera ng Fugu, Jones, Isabela at motorsiklong minamaneho ni Marlo Pasuquin na residente ng Sinabbaran, Echague, Isabela.
Batay sa kanilang pagsisiyasat ang motorsiklo ay biglang pumasok umano sa National Highway mula sa Barangay Castillo ng mahagip ito ng bus na mula Manila at papunta sana ng Lunsod ng Tuguegarao.
Dahil sa banggaan ay nasira ang motorsiklo at nagsanhi rin ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tsuper ng motorsiklo.
ayon pa kay PCapt. Serafica sadyang madilim sa kahabaan ng kalsada na isa ring dahilan para hindi agad napansin ng driver ng bus ang motorsiklo.
Una na ring nag-usap ang driver ng bus maging ang rider ng motorsiklo at napagkasunduan na magbibigay ang tsuper ng bus ng tulong para sa pagpapagamot ng biktima.