--Ads--

Magtatalaga na ang Isabela Anti-Crime Task Force o IACTF ng mga tauhan nito sa mga eskwelahan sa Lungsod ng Cauayan matapos ang nangyaring rambulan sa isang paaralan sa Brgy. Villacruz kung saan sangkot dito ang mga estudyante.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay IACTF head Ysmael Atienza Sr., palalawigin na nila ang pagbabantay sa mga paaralan lalo na sa mga high school kung saan karaniwang nangyayari ang gulo.

Aniya, ang ganitong aksiyon ay napasimulan na nila dati pa at ngayon ay mas palalawigin lamang nila.

Bukod pa rito, mas magiging maganda rin ito upang masigurong ligtas ang mga estudyante.

--Ads--

Aniya, bukod sa mga guidance offices ay pwedeng dumulog ang mga estudyante sa itatalagang tauhan ng task force sakaling makaranas ng pangbubully.