--Ads--

CAUAYAN CITY – Itatatag ng pamahalaang panlalawigan ang Isabela  Command Center upang agad na mahanapan ng ospital ang mga pasyente ng COVID-19 at maibsan ang pangamba ng publiko sa dami ng naitatalang kaso ng nakamamatay na virus.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Information Officer Elizabeth Binag, sinabi niya na naisipan ni Governor Rodito Albano na gawin ito dahil kapansin-pansin ang pangamba ng mamamayan lalo na sa Metro Manila na nagkukulang na sa bed capacity ang mga ospital.

Ang Isabela Command Center ay pamumunuan ng mga doktor at dito papasok ang lahat ng mga datos ng mga kaso ng COVID-19 sa mga bayan at lunsod sa lalawigan.

Ayon kay Atty. Binag, maihihiwalay ang datos ng mga symptomatic at asymptomatic.

--Ads--

Ang mga asymptomatic at mild na pasyente ay dadalhin sa LGU quarantine facilities at kapag lumala ang kanilang sitwasyon ay saka dadalhin sa mga pampublikong ospital.

Ayon kay Atty. Binag, ang mga moderate cases ay tutulungan din kung wala na talagang ospital na mapagdadalhan sa kanila.

Aniya, makikita sa Command Center ang mga bakanteng bed sa mga ospital kaya madaling malaman kung saan kailangang dalhin ang pasyente.

Ito ay para maibsan ang pag-aalala ng mga pasyente sa kanilang kahihinatnan at matulungan silang gumaling sa sakit.

Kasalukuyan na ang pagdaragdag ng pamahalaang panlalawigan ng mga isolation facilities sa mga bayan at lunsod upang may paglagyan sa mga COVID-19 patients.

Ang pahayag ni Atty. Elizabeth Binag