--Ads--

CAUAYAN CITY – COVID 19 positive free muli ang Isabela matapos magnegatibo sa ikalawang swab test ang dalawang nurse sa Santiago City na nagpositibo sa Coronavirus Disease.

Inihayag ni Provincial Health Officer (PHO) Dr. Nelson Paguirigan na negatibo na  sa swab retest sina PH 7236 at PH 7308.

Sa kabila nito ay patuloy ang paalala ng IPHO sa mga  Isabelenio na mahigpit pa ring ipinapatupad ang pagsusuot ng face mask, pag-observe sa social distancing, palaging paghuhugas ng mga kamay at manatili lamang sa bahay  kung walang mahalagang gagawin sa labas.

Sa  impormasyon na inilabas ng IPHO,  nasa 352 na suspect case  ang negatibo sa  COVID-19 test habang umabot sa 10 ang naitalang positibo na kaso sa lalawigan.

--Ads--

Hinihintay pa ang resulta ng COVID-19 sa 52 na suspect case.

Sa nasabing bilang ay 16 nasa ospital habang 26 ang nasa home quarantine.

Patuloy naman ang monitoring sa 44  Overseas Filipino Workers (OFW’s) na umuwi sa Isabela  at sumasailalim sa 14-day quarantine sa mga itinalagang Provincial Quarantine Facilities.