--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagsasagawa ng iba’t ibang maintenance activities ang Isabela Electric Cooperative (ISELCO) 1 bilang paghahanda sa nalalapit na National and Local Election sa buwan ng Mayo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay ISELCO 1 General Manager Glenmark Aquino, sinabi niya na ito ang dahilan kung bakit magkakasunod ang mga scheduled power interruptions sa kanilang nasasakupan upang bigyang daan ang pagsasaayos sa kanilang mga linya.

Pinapalitan at ina-upgrade umano nila ang ilan sa mga distribution transformers sa mga Barangay dahil hindi maiwasan na mag-overload ang mga ito bunsod ng matinding init ng panahon.

Dahil sa mainit na panahon ay kinakailangan nilang magdagdag ng rating sa mga transformers para mapunan ang mataas na demand ng kuryente.

--Ads--

Titiyakin naman nila na magiging sapat ang ratings sa bawat voting precincts na nasasakupan ng ISELCO 1 para masiguro na mayroong sapat ng tustos ng kuryente sa paaralan sa araw ng halalan.

Kung sakali man ng aberya ay titiyakin nila na mayroong back-up na generator ang mga election precinct.