--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagpasya si Isabela Governor Rodito Albano na sumailalim sa home quarantine matapos makasalamuha ang kaibigan niyang nagpositibo sa COVID-19.

Sa naging ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Governor Albano, sinabi niya na noong Sabado ay nakasama niya sa dinner ang kanyang kaibigan na nagpositibo sa COVID-19 sa rancho ni Congressman Antonio Albano sa San Pablo, Isabela.

Pinayuhan siya ni Dr. Glenn Mathew Baggao, medicial chief ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City na sumailalim sa swab test subalit hiniling niya na pagkatapos na lamang ng walong araw at obserbahan muna niya ang kanyang sarili.

Dahil dito, naka-quarantine siya ngayon sa kanilang bahay at nakatakdang magpa-swab test sa araw ng Linggo.

--Ads--

Ayon kay Governor Albano, ang kanyang kaibigan na nagpositibo ay nakasalamuha ang driver at anak nito na nagpositibo sa COVID-19.

Sa ngayon ay asymptomatic naman o walang nararamdamang sintomas ng COVID-19 ang punong lalawigan.

Ang pahayag ni Gov. Rodito Albano.