--Ads--

CAUAYAN CITY- Handa si Isabela Governor Rodito Albano na humarap sa senado sakaling ikasa ang imbestigasyon kaugnay sa Cabagan-Sta. Maria Bridge para isiwalat ang kaniyang mga nalalaman bago ang construction ng iconic na tulay.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gov. Rodito Albano,sinabi niya na handa siyang humarap sa senado para ilahad ang kaniyang nalalaman o mga kailangan na impormasyon sa history ng Cabagan-Sta. Maria Bridge na magagamit sa paghahanap sa katotohanan.

Aniya matagal na panahon nilang isinulong ang pagpapatayo ng mga tulay sa Lalawigan ng Isabela partikular sa Northern Isabela at ang pinakahuling ipinatayo ay ang Cabaga-Sta. Maria Bridge na tumagal ng sampuhng taon ang construction sa tinaguriang Iconic Bridge sa Isabela.

Isa sa mga nais niyang malinawan ay kung ano ang totoong nangyari at resulta ng ginagawang imbestigasyon.

--Ads--

Kaugnay naman sa panawagan ng mga mambabatas na papanagutin ang mga DPWH Officials at hindi ang pobreng truck driver, inihayag ni Gov. Albano na maraming nagkamali sa pagpagpapatayo ng tulay at hindi na dapat pang magturuan.

Ang nararapat aniya na gawin ay suriin ang mabuti kung ano ang naging sanhi ng pagbagsak ng tulay na hindi lamang naman aniya truck driver ang naging dahilan dahil maging ang disenyo ay nagkaroon ng problema at kulang kulang na pondo.

Bilang dating mambabatas ay nais niya sanang maisulong ang mga panukalang batas na sasaklaw sa procurement loan at tagal ng pagsasagawa ng mga proyekto.

Halimbawa aniya dito ang Cabagan-Sta. Maria Bridge na pinondohan ng 800 million pesos subalit dahil sa sobrang tagal na construction na umabot ng sampung taon ay lumobo ang budget ng proyekto sa 1.2 billion pesos kahit pa ang unang proposed budget na 1.8 billion pesos sa ilalim ng Overseas Development Assistance Project sa disenyo na unang iprinisinta ng Japan subalit inaako umano ni Engr. Albert Cañete .

Umaasa si Gov. Albano na mabibigyan ng panahon ng Pamahalaan at mapagtutuunan ng pansin ang pagsasaayos sa tuloy na labis na ring nakaapekto sa kabuhayan ng mga Isabelino.