--Ads--

CAUAYAN CITY – Itinanggi ni Isabela Governor Rodito Albano ang impormasyong nagkukulang na ng bigas ang Lalawigan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Governor Albano sinabi niya na walang kakulangan ng bigas sa Isabela dahil kasalukuyan pa lamang ang pag aani ng mga magsasaka ng palay.

Sa ngayon aniya ay kuntento at masaya ang mga magsasaka ng palay sa presyo ng palay kaya naman inaasahan na rin ang magandang ani.

Tinitiyak ni Governor Albano na ginagawa nila ang knailang makakaya para hindi malugi ang mga magsasaka ng palay at mais.

--Ads--

Nag babala rin ito sa sinuman na nagpapakalat ng maling impormasyon at kung sakaliman na magkaroon talaga ng kakulangan ay handang handa naman ang Provincial Government na magbigay ng livelihood programs sa mga kwalipikadong indibiduwal.