dineklara bilang Insurgency free ang lalawigan ng Isabela ngayong araw, Disyembre 10.
Kinabilangan ng hanay ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) na pinangunanhan ni Police Col. Allen Bauding , Engr. Corazon Tiribio, at maging ang hanay ng 502nd Infantry Brigade Philippine Army at Commander ng 5th Infantry Philippine Army na si Major General Gulliver Señires.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Major General Gulliver Señires, Commander ng 5th Infantry Philippine Army sinabi nito na ang deklarasyon ng insurgency free ay hindi patungkol sa militar, police at lalong hindi sa gobyerno kundi patungkol ito sa mga mamamayan ng lalawigan ng Isabela.
Isa sa mga tinukoy ng Commander ng 5th Infantry Division ay itong tutulungan ng Philippine Army ang mga sumuko para hindi sila makulong.
Isa rin sa mga panawagan nito sa dalawa pa na mga natitirang rebelde na magbalik loob na sa pamahalaan nang sa ganoon hindi na sila mahirapan pa. Sa datos kasi ngayon ng Philippine Army, dalawa na lamang ang natitirang rebelde na nandito ngayon sa lalawigan ng Isabela.
Nanawagan din si Commander Señires sa mga natitirang rebelde na wag matakot magbalik loob sa pamahalaan dahil tulong ang inaaalok at hindi parusa.
Isa pa sa mga gagawin ngayon ng hanay ng Philippine Army ay ang pagkakaroon ng lokal na Amnesty Board sa Isabela kung saan bubuuin para naman sa mga rebelde na magkaroon ng amnestiya kung saan base sa datos ay nasa isang daan ang nagpasa.
Laking pasasalamat din ng Commander 5th ID sa Provincial Government ng Isabela dahil sa patuloy na pagsuporta sa kanilang hanay nang sa ganoon ay makamit ang insurgency free ng lalawigan.
Binigyang pansin rin ng Commander na dahil sa pagkakadeklara ng lalawigan ng insurgency free ay magbu-boost ito sa economic growth ng lalawign dahil sa ngayon wala ng aalahanin ang mga mamamayan na pangamba ng extortion at ano pang panggigipit.
Samantala, ikinatuwa rin ng Commander ng 5th ID ang ganitong nangyari dahil sa ngayon ay hindi na ang insurhiya kundi ang transitioning into territorial defense.
Aniya, isa kasi sa mga ginagawa nila ngayon ang pagpre-prepara naman sa hanay ng PNP kung papaano ime-maintain ang internal security habang ang Philippine Army naman ay magswi-switch na sa territorial defense o itong external security nang sa ganoon ay makatulong naman sa pagdepensa sa mga teritoryo na sakop ng bansang Pilipinas.
Bahagi rin nito ay ang inaguration ng halfway house na tutuluyan o temporary shelter nitong mga former rebel habang sila ay nag-aadjust at tinutulungan ng pamahalaan kung papaano maaayos ang kanilang mga records.
Limang mga halfway house ang natapos na kung saan isa dito ang pinaka-center nila na pinondohan ng provincial government habang ang mga halfway house ay mula sa Department of Interior and Local Government (DILG).
Nangako rin ang hanay ng DILG, ayon sa nasabing hanay ay makakatanggap ang mga ito ng assisstance mula sa iba’t-ibang sanay ng pamahalaan ang mga formel rebel. Maging ang pagsasagawa sa kanila ng counceling, mental health support at skills and development training na iproprovide sa kanila ng TESDA.
Magkakaroon din ng itatalagang mga uniformed personnel para sa seguridad ng mga former rebel habang sila ay nasa loob ng halfway house. Ang pananatili nila sa kanilang nasabing temporary shelter ay may maximum na anim na buwan na pwede silang manatili habang inihahanda ang kani-kanilang mga pangangailangan nang sa ganoon makauwe na sila sa kanilang komunidad.







