--Ads--

Pinarangalan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela (PGI) ng Center for International Trade Expositions and Missions (CITEM) at ng Department of Trade and Industry (DTI) bilang pagkilala sa malaking ambag nito sa matagumpay na pagdaraos ng Manila FAME 2025.

Kabilang ang Isabela sa mga lokal na pamahalaang patuloy na nagbibigay-suporta sa malikhaing gawang Pilipino at aktibong isinusulong ang creative economy sa bansa.

Tampok sa exhibit ng delegasyon ng Isabela ang koleksiyon ng mga handcrafted na home décor, fashion accessories, at lifestyle products na kumakatawan sa mayamang pamana ng kultura, malikhaing diwa, at umuunlad na design sensibilities ng lalawigan.

Pinangunahan nina Head Executive Assistant at Provincial Information Officer Atty. Elizabeth Binag, kasama ang mga kinatawan mula sa DTI–Isabela, ang pagtanggap sa nasabing parangal.

--Ads--

Ayon kay Atty. Binag, ang pagkilalang ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng lalawigan na palakasin ang mga lokal na artisan, paunlarin ang mga MSME, at itaguyod ang mga produktong gawa sa Isabela sa pambansa at pandaigdigang merkado.