--Ads--

CAUAYAN CITY – Sa ikatlong pagkakataon ay muling nakuha ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela ang Seal of Good Local Governance.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Infromation Officer Jessie James Geronimo, kanyang kinumpirma na hall of famer na sa SGLG ang lalawigan ng Isabela.

Iniaalay aniya ni Isabela Gov. Bojie Dy ang naturang parangal sa mga taga-Isabela.

Inihayag ni Geronimo na matatag ang pagtutulungan ng mga opisyal ng pamahalaan panlalawigan kaya muling napanalunan sa ikatlong magkakasunod na taon ang Seal of Good Local Governance.

--Ads--

Matatandaan na noong nakaraang buwan ay dumalaw ang mga opisyal ng Ilocos Sur dito sa Isabela upang makita at matutunan ang mga programa ng pamahalaang panlalawigan may kaugnayan sa disaster preparedness at iba pang larangan.